Monday, October 29, 2012

Let's Begin!

October 29, 2012

Hi fellas!

Yee~ Kini-claim ko na ako ang founder ng grupong ito. Simply because i found and met those wonderful ladies in my life. Matagal ko ng naiisip yung name na bitchelorette pero inaantay ko yung panahon na papausuhin ko yun. Tapos sumakto naman paglipat ko sa LPU Manila e marami pa pala akong bagay na hindi ko nagawa nung nasa MIT ako. Masarap nga naman mag-aral lalo na kung kasama mo ang mga kaibigan pero mas masarap kung hindi laging stress dahil sa school, bonus pa na may alak kahit once a week. JOKE!
Ngayon masasabi ko na tanggap ko kung sino ako na hindi ko kailangan itago yung mga bisyo ko sa ibang tao. Hindi lang basta bisyo ha syempre may pagkabaliw at praning din ako. Pero masasabi kong mas masaya ako ngayon.
So tama na ang kwento ko. Ipapakilala ko sa inyo ang Bitchelorette:
(Left to Right)
The sexy-tary: Mish
Photogenic. Haha siya lang ang walang stolen shot. Alam mo yun kahit gusto mo siyang picture-an ng trip lang hindi mo siya maiisahan dahil bago mo pa napindot ang button naunahan ka na niya sa pagpose niya na sobrang lupet. Isa pang super nagustuhan ko sa kanya e nakakatuwa pakinggan ang tawa niya :)

Ms. Treasurer: Eds
Ang pinakamasipag sa amin. Sabihin natin na siya ang abnormal sa aming lahat. Siya lang ang nag-iisang Maria Clara. Ayoko ng e-explain dahil kilala niyo naman si Maria Clara. Hindi lang yan siya din kasi minsan ang nagdadagdag ng mga pagkukulang namin. Tahimik siya pero siguradong nandyan siya at hindi ka iiwan pag kailangan mo.

Ako Yan: El
Hindi ko alam paano ko ide-describe ang sarili ko kaya i-skip ko ito. Haha peace!

Lady VP: Ja
Ang pinakama-impluwensya. Super maabilidad yang batang yan malalaman niyo yan pagsumama kayo sa amin mag-inuman haha. Mag-ingat kayo sa mga siring niya dahil kung nakakamatay yun wala na ako sa mundong ibabaw haha. Para siyang kape, strong kahit maraming luha ang nakita ko sa kanya nandito pa rin at nakangiti sa larawan na ito. Ako nagsasbi sa inyo masarap yan magmahal pero pag iyan niloko niyo hanggang hukay susundan kita animal ka makabawi lang sa iyo.

Rocker Chick: Chai
Ang pinakamabenta sa amin. Swerte ang kulay gray hindi ko alam kung bakit pero pag iyon ang suot niya e dagsaan ang mga lalaki, bakla, tomboy, butiki, at baboy na humihingi ng number niya. Sayang lang at tinanggal na niya ang extension niya hindi ko na masasabing "Ang haba talaga ng extension mo :p". Bad girl yan wag kayo magpapaakit dyan. JOKE LANG HAHA!

Madam President: Jara
Siya at siya lang. Lahat na kami nakahalik sa lupa pero siya lang survivor. Kung gusto mo ng makakasama pag-usapang ma-bote pwede siya basta ambagan o masmabuti kung isasagot mo siya. Mas mag-ingat ka pala dito ayaw niya ng may naglalaro sa cp habang nag-iinuman. Super KALOG niyan. Pag narinig mo siya, NORMAL lang niya iyon (volume) Haha.


Abangan niyo na lang yung iba pang larawan ng bitchelorette :) Inaayos palang talaga. Malalaman niyo kung kailan ang gimmik naming lahat so, so long (-.-)